ANG PLANONG PAGBABAGO SA HISTORICAL BANLAT AREA NG QC
Noong 2012, inilahad ang isang plano at disenyo para lalo pang paunlarin ang isang lugar sa QC na itinuturing na Historical Banlat Area (HBA). Ang HBA ay binubuo ng 11 barangays: Apolonio Samson, Baesa, Balonbato, Culiat, New Era, Pasong Tamo, Sangandaan, Sauyo, Talipapa, Tandang Sora, at Unang Sigaw. Naisip at nabuo ito ayon sa pananaw ng isang visionary leader na kagaya ni Kit Belmonte na may kaalaman din sa urban planning na isakatuparan ang kaunlaran at pagbabago ng lugar. Ayon sa kanyang nabuong unang balangkas (draft) o tinawag na Area Development Plan ng lugar, ang HBA ay pauunlarin upang maging “Gateway to Growth, Quality of Life, and Heritage” dahil ito ay nasa hilagang-kanlurang bahagi ng lungsod at malapit sa mga pangunahing daanan tulad ng NLEX at EDSA. Ang HBA din ay itinuturing na mahalagang sentro ng kalakalan, transportasyon, at kasaysayan. MGA GAGAWING PAGBABAGO SA HBA I. ...