ANG PLANONG PAGBABAGO SA HISTORICAL BANLAT AREA NG QC
Noong 2012, inilahad ang isang
plano at disenyo para lalo pang paunlarin ang isang lugar sa QC na itinuturing
na Historical Banlat Area (HBA). Ang HBA ay binubuo ng 11 barangays: Apolonio
Samson, Baesa, Balonbato, Culiat, New Era, Pasong Tamo, Sangandaan, Sauyo,
Talipapa, Tandang Sora, at Unang Sigaw.
Naisip at nabuo ito ayon sa
pananaw ng isang visionary leader na kagaya ni Kit Belmonte na may
kaalaman din sa urban planning na isakatuparan ang kaunlaran at pagbabago ng
lugar.
Ayon sa kanyang nabuong unang
balangkas (draft) o tinawag na Area Development Plan ng lugar, ang HBA ay
pauunlarin upang maging “Gateway to Growth, Quality of Life, and Heritage”
dahil ito ay nasa hilagang-kanlurang bahagi ng lungsod at malapit sa mga
pangunahing daanan tulad ng NLEX at EDSA. Ang HBA din ay itinuturing na
mahalagang sentro ng kalakalan, transportasyon, at kasaysayan.
MGA GAGAWING PAGBABAGO SA HBA
I. Sa Kalusugan at Edukasyon
· Pagtatayo ng mga bagong health centers at district
hospital
·
Pagdadagdag ng mga classrooms sa eskuwelahan
·
Paglalagay ng elementarya at segundaryang paaralan
sa mga barangay lalo na sa Sauyo, Pasong Tamo, at Tandang Sora.
II.
Suliranin sa Pabahay at Impormal na
Paninirahan
Dahil sa problema sa tirahan at
pabahay para sa mahigit 37,000 informal settler families (ISFs) sa HBA noong
taong iyon, lalo na sa Sauyo at Culiat, iminungkahi ang pagkakaroon:
·
iba’t ibang housing programs tulad ng public
rental housing, community-led housing projects, at land banking.
·
Kabilang din sa mga panukala ang pagpapaunlad ng
mixed-use housing developments upang mabigyan ng mas maayos at ligtas na
tirahan ang mga residente.
III.
Sentro ng Kalakalan at Pag-unlad
Malaki ang papel ng HBA sa
ekonomiya ng Quezon City dahil halos kalahati ng negosyo rito ay nasa wholesale
at retail trade. Nasa Balintawak din ang isa sa mga pangunahing sentro ng
distribusyon ng produkto mula Hilaga at Gitnang Luzon.
Bilang bahagi ng development
strategy, iminungkahi ang modernisasyon ng Balintawak market complex upang
maging mas organisadong sentro ng food distribution. Kasama rito ang cold
storage facilities, parking areas, sanitation systems, at maging mga BPO at mixed-use
developments.
IV.
Kasaysayan at Turismo
Bukod sa ekonomiya, mahalaga rin
ang HBA sa kasaysayan ng bansa. Matatagpuan dito ang ilang kilalang pook gaya
ng Balintawak Monument, Tandang Sora Shrine, at ang central cathedral ng
Iglesia ni Cristo.
Dahil dito, nais ng plano na
paigtingin ang heritage tourism sa lugar sa pamamagitan ng pagtatatag ng “Trail
of the Katipunan” at pagpapaunlad ng mga historical landmarks at open spaces.
V.
Imprastraktura at Kapaligiran
Ilan sa mga pangunahing problema
sa HBA ay traffic congestion, pagbaha, at kakulangan sa maayos na drainage
system. Tinukoy na flood-prone ang mga lugar malapit sa Tullahan River, Dario
Creek, at ilang bahagi ng Quirino Highway at EDSA.
Kabilang sa mga iminungkahing
proyekto ang pagpapalawak ng Tandang Sora Avenue, drainage improvement, flood
control structures, at mas maayos na traffic management systems.
Pangmatagalang Pananaw
Sa kabuuan, ipinapakita ng
Historical Banlat Area Development Plan ang layunin na gawing sentro ng
kaunlaran, maayos na pamumuhay, at pangangalaga sa kasaysayan ang HBA. Bagama’t
marami pa ring hamon sa pabahay, edukasyon, kalusugan, at imprastraktura, nakikita
sa plano ang potensyal ng lugar bilang isa sa mga pangunahing growth areas ng
Quezon City.
Ang lahat na ito ay ayon sa
pasulong na pananaw ni Kit Belmonte -isang visionary leader at urban planner.
Ref: HBA ADP MAY 2012




Comments
Post a Comment